Matapos ang inagurasyon

Posted on July 1, 2010

2



Baon man ang pag-asa mula sa inagurasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, walang pinagbago ang eksenang iniwan ng marami sa mga dumalo. Palibhasa’y hindi nila tahanan, ginawa nilang basurahan ang Quirino Grandstand.

Nag-iwan ng basura ang mga dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III

Sabi sa kantang “Si Noynoy,” na inawit ni Ogie Alcasid sa okasyon, si Noynoy ang “tanging pag-asa ng bayan.” Kung ito ang bibitbitin nating pag-iisip, asa pa tayong magkakaroon ng tunay na pagbabago. Si Noynoy na rin ang nagsabi sa kanya mismong talumpati, “Kayo ang aking tunay na lakas.” 

Hindi lang si Noynoy “ang sagot sa kahirapan,” gaya ng mensahe ng kantang ginamit din niya sa kampanya. Sa kanyang unang talumpati bilang Pangulo, ang sabi lang niya tungkol sa pagbabago, “Magsisimula ito sa akin.” Aayusin daw niya ang pamunuan, gagastos nang sapat, at hindi gagamit ng wang-wang. Pakiusap pa rin niya, “Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito.”

Advertisements
Posted in: Uncategorized