Sa wakas

Posted on September 6, 2010

2



Hindi ko akalaing magagawa ko ito. Sa pagdaan ng mga araw inunti-unti ko: tapik dito, himas diyan, akbay dito, tapos himas uli.

Kanina, tinuldukan ko ang walong taon ng pagkasindak sa sarili naming aso. Pag-uwing pag-uwi ko galing dentista, ipinasyal ko si Buddy sa unang pagkakataon.  

Malaking bagay ito hindi lang dahil nanaig ako sa takot ko sa aso. Sinasalamin kasi ng takot ko sa aso ang kahit paano’y takot ko rin sa tao. Takot ako na kahit ano pang himas ko kay Buddy, kahit ilang beses pa kaming mamasyal, kahit gaano pa ako kabuti sa sarili naming aso, maiisip din niyang kagatin ako. Noong bata ako, at hanggang ngayon bagaman hindi na masyado, naiisip ko rin iyan minsan sa kapwa-tao. 

Maliit na bagay, malalim ang kuwento. Salamat sa Diyos, unti-unti ko nang nababago ito.

Advertisements