‘Yung ano

Posted on November 6, 2010

5



Mabilis na update lang dahil nasa gitna ako ng isang translation raket para sa UPI.*

Hindi ako magrereklamo, dahil gusto ko naman ang trabaho. Magkukuwento lang ng isang bagay na Pinoy na Pinoy. Grabe pala tayo magsalita, ano? Tulad nitong tina-translate ko ngayon, isang magbubukid sa Isabela: “Talagang ano, may–, hindi naman sa mainit dahil ano pero ano.”

Ano nga, koya?!

Pero in fairness, ha, kung tayo-tayo lang iyong… ano, nagkakaintindihan naman tayo. Hindi ko lang alam kung paano ko i-aano sa mga foreigner iyong ano ng “ano.”

Ano talaga tayong mga Pilipino, ano?

*Ang Unlimited Productions, Inc., o UPI ay sister company ng Probe.

Advertisements